“Guns do not kill.. people do”. Kung sino man ang naka imbento ng hinayupak na baril na yan, siguradong matagal na syang sunog sa impyerno. Sabi nga ni Joey Ayala – “Ikaw na may baril, mabigat ang iyong pasanin… pagpisil mo ng gatilyo ilang buhay ang kikitilin, ilang anak ang iiyak o di kaya’y di maisisilang pagpisil mo ng gatilyo isip-isipin mo lang". Maraming pwede magbago sa isang kalabit mo ng gatilyo, at kailangan natin aminin na kung sino ang may hawak ng baril, sya ang naghahari. Mapapatupad lang ang batas sa pamamagitan ng banta ng dahas, ang kamay na bakal ng batas ay may bala at gatilyo, di na pwede ang samurai, tsako, pana at karate. Ang problema, di lamang gobyerno ang nagmomonopoliya sa boga. Nung usong uso sina FPJ at kung sino pang mga action star sa pelikula, lagi natin isinisisi sa kanila ang mga karahasan. Kasi ganun ang lipunan… dapat lagi may sinisisi, kung hindi drugs, pelikula at artista, programa sa tv, mga mararahas na kanta at kung ano ano pa. Tila ba gustong sabihin na walang kasalanan ang mga magulang sa nangyayari kapag may nahulihan na kabataan na may dalang baril. Bakit parang mas dumarami ang mga barilan ngayon o ang mga guns related killings? Dahil ba sa dumaraming mga telenobela at tv shows na ang tema ay may barilan? Kung minsan kung may baril ka lang gusto mo ng barilin pati ang tv. Kung ikaw ay isang magulang at ayos lang sa iyo na ang iyong anak ay mas nahuhumaling sa magugulong awitin at mga heavy metal albums ng kung ano anong banda kagaya ng Guns n’ Roses dati, o kayo'y natutuwa sa pagkahilig nila sa baril, anong klaseng magulang ka? Sabi pa din ni Joey Ayala – “ang balang tingga ay walang mata, kung saan ka nakatutok doon sya pupunta". Minsan may magulang din na walang mata, o kaya medyo may tililing… kagaya din ng hustisya… naka piring, walang nakikita. Walang nakikita kung mahirap o mayaman ka, artista, warlord o pulitiko. Pero ang tanong ko, bakit sobra na ang pagkaka piring ng sistema ng hustisya sa Pilipinas??? Kaya ikaw na may baril legal man o illegal, lalaban ka ba sa akin wala akong baril... meron ako - nuclear bomb!!!Sunday, October 9, 2011
bang bang bang...
“Guns do not kill.. people do”. Kung sino man ang naka imbento ng hinayupak na baril na yan, siguradong matagal na syang sunog sa impyerno. Sabi nga ni Joey Ayala – “Ikaw na may baril, mabigat ang iyong pasanin… pagpisil mo ng gatilyo ilang buhay ang kikitilin, ilang anak ang iiyak o di kaya’y di maisisilang pagpisil mo ng gatilyo isip-isipin mo lang". Maraming pwede magbago sa isang kalabit mo ng gatilyo, at kailangan natin aminin na kung sino ang may hawak ng baril, sya ang naghahari. Mapapatupad lang ang batas sa pamamagitan ng banta ng dahas, ang kamay na bakal ng batas ay may bala at gatilyo, di na pwede ang samurai, tsako, pana at karate. Ang problema, di lamang gobyerno ang nagmomonopoliya sa boga. Nung usong uso sina FPJ at kung sino pang mga action star sa pelikula, lagi natin isinisisi sa kanila ang mga karahasan. Kasi ganun ang lipunan… dapat lagi may sinisisi, kung hindi drugs, pelikula at artista, programa sa tv, mga mararahas na kanta at kung ano ano pa. Tila ba gustong sabihin na walang kasalanan ang mga magulang sa nangyayari kapag may nahulihan na kabataan na may dalang baril. Bakit parang mas dumarami ang mga barilan ngayon o ang mga guns related killings? Dahil ba sa dumaraming mga telenobela at tv shows na ang tema ay may barilan? Kung minsan kung may baril ka lang gusto mo ng barilin pati ang tv. Kung ikaw ay isang magulang at ayos lang sa iyo na ang iyong anak ay mas nahuhumaling sa magugulong awitin at mga heavy metal albums ng kung ano anong banda kagaya ng Guns n’ Roses dati, o kayo'y natutuwa sa pagkahilig nila sa baril, anong klaseng magulang ka? Sabi pa din ni Joey Ayala – “ang balang tingga ay walang mata, kung saan ka nakatutok doon sya pupunta". Minsan may magulang din na walang mata, o kaya medyo may tililing… kagaya din ng hustisya… naka piring, walang nakikita. Walang nakikita kung mahirap o mayaman ka, artista, warlord o pulitiko. Pero ang tanong ko, bakit sobra na ang pagkaka piring ng sistema ng hustisya sa Pilipinas??? Kaya ikaw na may baril legal man o illegal, lalaban ka ba sa akin wala akong baril... meron ako - nuclear bomb!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment